Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Ayaw paawat sa pagkanta inutas

$
0
0

PATAY sa palo ng tatlong hindi pa kilalang suspek ang isang lalaki makaraang mabuwisit ang grupo sa kakakanta ng biktima sa isang videoke bar sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling-araw, Marso 26.

Dead-on-the spot sanhi ng mga pinsala sa ulo si Bryan Timpug, 26, ng Hito St., Longos ng lungsod.

Sa ulat, ala-1:30 ng madaling-araw, panay ang awit ng biktima sa J. Grajo Resto Bar sa Tanigue St., kung saan naasar ang mga suspek na nag-iinuman naman sa katabing mesa dahil masakit sa tainga ang boses ng nasawi.

Hindi nagpaawat sa pagkanta ang biktima na naging dahilan upang lapitan ng mga suspek hanggang sa magtalo.

Lumabas na si Timpug ng bar subalit sinundan ng mga suspek na may dalang mga pamalo at hinabol ang una hanggang sa maabutan bago pinagtulungan hatawin sa ulo.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek na inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga ito.

The post Ayaw paawat sa pagkanta inutas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>