Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Manugang ni Corona kinasuhan ng tax evasion

$
0
0

PINAKAKASUHAN na sa Court of Tax Appeals ng tax evasion ang manugang ni dating Chief Justice Renato Corona.

Sa 20-pahinang resolusyon, si Constantino Castillo III, asawa ni Carla Corona ay pinasasampahan ng dalawang ulit na paglabag sa Section 254 at dalawang ulit ding paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code of the Philippines.

Ang resolusyon ay pirmado ng panel na pinamumunuan ni State Prosecutor Edna Valenzuela at aprubado ni Prosecutor General Claro Arellano.

Nag-ugat ang kaso laban kay Castillo sa inihaing reklamo ng BIR dahil sa hindi pagbabayad ng buwis noong 2003 at 2009 at dahil sa kabiguan na makapagsumite ng tax return noong 2003.

The post Manugang ni Corona kinasuhan ng tax evasion appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>