PATAY ang isang high school graduating student nang barilin ng kanyang kaklase dahil sa away sa pag-ibig sa Barangay Rizal, Claveria, Misamis Oriental.
Kinilala ang biktima na si John Rey Palayong, habang ang suspek ay si Nico Labatibas, kapwa residente sa nasabing bayan.
Sa imbestigasyon, galing sa inuman ang dalawa nang nagkainitan matapos mabanggit ang babaeng kapwa nila iniibig.
Lalong nagalit ang suspek nang isinumbong pa ng biktima ang kanyang inasal sa babaeng kanilang nililigawan dahilan para umuwi ito sa kanilang bahay at pagbalik ay may dala ng baril saka binoga ang kaklase.
Muntik ding barilin ng suspek ang school principal ng Rizal National High School na mabuti na lamang at pumalya na ang dala niyang .45 pistola.
Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek na nakatakda sanang mag-martsa sa Biyernes.
The post High school student utas sa kaklase dahil sa babae appeared first on Remate.