PATAY na nang matagpuan ang 16-anyos na dalagita matapos magbigti dahil sa problema sa pag-ibig sa Ibajay, Aklan.
Sa report, nadiskubre ang bangkay ng biktimang si “Leila” ng kanyang pamilya na nakabigti na sa kisame gamit ang plastic nylon.
Isang suicide note rin ang nakita kung saan nakasaad dito ang kanyang sobrang pagmamahal sa kanyang ama at paghingi ng tawad dahil sa kanyang pagpapatiwakal.
Hinala ng pulisya na problema sa pag-ibig ang dahilan ng pagpapakamatay ng dalaga gayunman ay iniimbestigahan pa rin kung may foul play sa insidente.
The post Bigo sa pag-ibig, 16-anyos nagpatiwakal appeared first on Remate.