Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Ma’am Arlene ipinatawag na ng Korte Suprema

$
0
0

IPINATAWAG na ng Investigating Committee na binuo ng Korte Suprema ang isa sa mga “Maam Arlene” na sinasabing maimpluwensya sa hudikatura.

Sa ipinalabas na media briefer ng Supreme Court Public Information Office, partikular na inimbitahan ng komite na pinamumunuan ni Associate Justice Marvic Leonen si Arlene Angeles Lerma para dumalo sa ika-14 na pagpupulong.

Ang imbitasyon ay ipinadala ng komite sa huli nitong address at idinaan din sa mga taong personal na nakakakilala sa kanya.

Umaasa naman ang komite na makapagsusumite na ito ng paunang ulat sa gagawing summer session ng Supreme Court En Banc sa Baguio.

Sa 13 pagpupulong ng komite, nakatanggap na ito ng sworn statement mula sa 32 resource person na kinabibilangan ng mga miyembro ng Hudikatura at Korte Suprema, at iba pang mga opisyal ng gobyerno.

Bukod sa impormasyon na nakakalap din ng National Bureau of Investigation na katuwang ng komite sa pag-iimbestiga, nakakalap din ang lupon ng mga dokumento, litrato at ulat mula sa official at unofficial sources.

Una nang napaulat na ang paglutang ng Ma’am Arlene issue ay kasunod ng mainit na eleksyon ng mga opisyal ng Philippine Judges Association na idinaos noong Oktubre, nakalipas na taon.

The post Ma’am Arlene ipinatawag na ng Korte Suprema appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>