MEXICO – Nabigo ang Filipino minimum weight boxer at dating undefeated na si Merlito “Tiger” Sabillo (23-1-1,12 KOs) na maidepensa ang korona nang talunin ni Francisco “Titanium” Rodriguez (14-2-10 KOs).
Sa laban na ginanap sa Arena Monterrey sa Mexico kaninang umaga, nakalasap ng 10th round technical knockout (TKO) loss ang boksingerong Pinoy.
Sa kabuuan ng bakbakan, lumabas na mas malakas at magaling si Rodriguez dahil sa unang round pa lamang ay napabagsak na agad nito si Sabillo.
Nasungkit ni Sabillo ang WBO minimum weight title makaraang talunin ang pambato ng Nicaragua na si Carlos Buitrago sa kanilang laban na ginanap sa Araneta Coliseum noong nakaraang taon.
The post Sabillo, TKO sa 10th round kay Rodriguez appeared first on Remate.