Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

2 kelot pinagsasaksak ng magpinsang senglot

$
0
0

MALUBHANG nasugatan ang dalawang lalaki matapos bugbugin at saksakin ng magpinsan nang magtalo matapos pagbintangan ng mga huli na inihian sila ng mga una habang nag-iinuman sa ginagawang eskwelahan sa Caloocan City, Huwebes ng gabi, Marso 20.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng pagkabali ng braso at mga saksak sa katawan si Vicente Vibora, 39, habang saksak naman sa dibdib ang inabot ni Mario Abrigo, 41, kapwa ng Montalban, Rizal.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na sina Marvie Pinca at Roland Pinca, kapwa stay-in sa Amparo High School ng lungsod.

Sa ulat, alas-7 ng gabi, nag-iinuman ang mga biktima sa ikalawang palapag ng nasabing eskwelahan habang sa unang palapag naman tumatagay ang mga suspek nang may tumulong tubig galing sa tubo at napatakan ang magpinsan.

Sa pag-aakalang ihi ng mga biktima ang pumatak, agad inakyat ng mga suspek ang mga biktima at kinompronta na nauwi sa pagtatalo hanggang sa kumuha ng pamalo si Roland habang naglabas naman ng icepick si Marvie at sinugod ang mga biktima.

Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek habang dinala ang mga biktima sa Tala Hospital bago inilipat sa JRMMC.

The post 2 kelot pinagsasaksak ng magpinsang senglot appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


PAGBABATA


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Long Mejia may sex scandal


Ivana Alawi itinanggi ang pagbibigay ng umano’y escort service


Traffic enforcer, todas sa pamamaril sa Parañaque


Ibong Adarna Script


MAMIYAPIS


DUMARATAL


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


Inambus na ex-mayor naibulong ang killer bago natigok


Toni at direk Paul, tuloy na ang kasalan!


PAKIALAMERONG DIREKTOR NG NORTH CEMETERY


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


I love you, goodbye: Babaeng nag-I love you sa katawagan, ginilitan ng...


KUDA


HAWI


DELEGADO


KANTUTAN


Liza Soberano, kinaiinisan na agad



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>