SA ngalan ng pag-ibig, nagpakamatay ang isang dalagita sa kanyang kuwarto sa Aklan.
Halos kulay talong na ang katawan nang madiskubre ang bangkay ng biktima na itinago sa pangalang Ella, 16-anyos, ng Ibajay, Aklan.
Sa ulat, nadiskubre ang krimen alas-5:45 ng madaling-araw sa kuwarto ng biktima pero pinaniniwalaang nangyari ang pagpapatiwakal bago pa maghatinggabi base sa pagsisiyasat na matigas na ang bangkay ng biktima bago pa nadiskubre.
Bago ito, pinagalitan ang biktima ng kanyang ama ilang araw na ang nakararaan dahil sa maaga nitong pakikipagrelasyon.
Marahil ikinasama ng loob ang hindi pagsang-ayon ng ama kaya winakasan na lamang nito ang kanyang buhay.
Ayon sa Ibajay PNP station, nadiskubre ang bangkay ng biktima na nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto gamit ang plastic nylon.
Isang suicide note rin ang nakita at nakasaad ang kanyang sobrang pagmamahal sa kanyang ama at paghingi ng tawad dahil sa kanyang pagpapatiwakal.
The post Dyowa inayawan ng tatay, dalagita nagbigti appeared first on Remate.