NASUNOG ang may 14 ektarya ng puno na nakatanim sa La Mesa Watershed sa Quezon City nitong Miyerkules ng gabi.
Sinabi ni David Azurin, isang forester at project supervisor ng Save the La Mesa Watershed Project ng ABS-CBN Foundation, na ang sunog na nagsimula dakong 5:30 p.m. at tumagal nang hanggang 9:30 p.m., sa may Sitio Tikling sa Barangay Payatas malapit sa Justice Cecilia Muñoz-Palma High School.
Nasunog aniya nang husto ang may 14 ektarya na may plantasyon ng puno tulad ng Narra, Ipil, Molave, Banaba at Mahogany.”
Tinanim ng nasabing foundation ang mga puno noong 2009.
Inaalam pa ng awtoridad ang pinagmulan ng sunog.
The post 14 ektarya ng puno sa La Mesa Watershed, naabo appeared first on Remate.