SA Ospital ng Makati isinugod si Janet Lim-Napoles matapos ang pagdinig ngayong araw sa Makati RTC Branch 150 kaugnay sa kanyang petition for surgery at hospitalization.
Ayon kay Judge Elmo Alameda, bukod sa Ospital ng Makati ay pinagpipilian din nila ang Philippine General Hospital (PGH), Veterans Memorial Medical Center (VMMC) at East Avenue Medical Center (EAMC).
Kanina ay personal na humarap si Napoles sa korte para ipakiusap na makapagpagamot siya dahil sa mahigit isang buwan na niyang pagdurugo dahil sa bukol sa matris.
Umiyak pa umano si Napoles na nakiusap kay Alameda.
The post Napoles bagsak sa Ospital ng Makati appeared first on Remate.