KUMAYOD nang todo si James Harden upang buhatin ang Houston Rockets laban sa Minnesota Timberwolves, 129-106 kaninang umaga sa 2013-14 National Basketball Association (NBA) regular season.
Hindi naglaro ang star center ng Rockets na si Dwight Howard kaya bumira si Harden ng 28 puntos, walong assists at limang rebounds para ilista ang 46-22 record ng kanyang koponan at manatiling nasa pang-apat na puwesto sa Western Conference.
Naghabol muna ang Rockets ng 10 puntos bago kumana sa second quarter para agawin ang manibela at tumuloy-tuloy pa ito hanggang third period, 98-82.
Naka-dalawang sunod na panalo na ang Houston kahit wala si Howard.
Nag-ambag si Donatas Montiejunas ng 20 points at anim na rebounds habang may 19 markers, siyam na boards at limang assists si Chandler Parsons para sa Rockets.
Umariba naman si All-Star member Kevin Love ng 29 pts., anim na boards at limang assists para sa T’Wolves subalit hindi pa rin sumapat para bitbitin ang Minnesota sa panalo.
Sumegundo kay Love sa opensa si Gorgui Dieng na may sinumiteng 22 puntos, 21 rebounds at apat na assists.
Samantala, Kinuryente ng Oklahoma City Thunder at Cleveland Cavaliers, 102-95 upang itarak ng una ang 50-18 baraha.
May 35 points, 11 rebounds at anim na assists si Kevin Durant upang akbayan ang OKC sa panalo.
The post Harden kumayod para sa Rockets appeared first on Remate.