WASAK ang isang mobile ng Malabon City Police matapos hagisan ng granada habang nakaparada sa kalsada upang magsagawa ng follow-up operation sa Maynila, Huwebes ng madaling araw, Marso 20.
Nabatid na isang John-John Wagas, 31 ang inireklamo sa kasong pananakit sa kinakasama at anak na nene na 7 taong gulang na naganap sa kanilang bahay sa P. Borromeo st., Longos alas-5 kahapon ng hapon.
Alas-2 ng madaling araw, nagsagawa ng follow-up operation ang apat na pulis sakay ng Mobile Patrol 203 na may plakang (SKW-997) upang kunin ang suspek sa pinagtatrabahuhan sa Vitas, Tondo Manila at nagbabaan ang mga pulis habang iniwan ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Hindi pa nakakalayo ang mga pulis nang biglang may sumabog malapit sa mobile at nang tingnan ang sasakyan ay napinsala kung saan nakakuha malapit sa lugar nang safety pin ng granada na hinihinalang pinagmulan ng pagsabog.
Inaalam na ng mga pulis kung sino ang naghagis ng granada.
The post Mobile ng pulis wasak sa granada appeared first on Remate.