IGINIIT ng kampo ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office Director Jose Taruc V na dapat magkaroon ng patas na paglilitis kaugnay sa kasong kinahaharap nito.
Ito ay kaugnay sa maanomalyang paggastos sa P366 milyon na confidential intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office mula sa taong 2008 hanggang 2010.
Sinabi ito ni Atty. Felibon Fabella Tacardon, abogado ni Taruc matapos itong magpasok ng not guilty plea sa Sandiganbayan First Division.
Sinamahan ni Tacardon si Taruc sa kanyang arraignment kahapon kung saan isinumite na rin ng korte “for resolution” ang petisyon nitong makapaglagak ng piyansa.
Ayon kay Atty. Tacardon, dapat na isantabi muna ang pulitika kaugnay sa kasong plunder na isinampa laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Tinanggihan ni Taruc ang pre-trial conference, sa halip, hiniling nito ang agarang pagdinig.
Matatandaan na noong Lunes, sumuko si Taruc sa mga opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police sa Camp Crame, Quezon City.
The post Patas na paglilitis hiling ni Jay Taruc appeared first on Remate.