IBINASURA na ng Supreme Court ang apela ni 1st Class Cadet Aldrin Jeff Cudia.
Ito ay makaraang ibasura ng SC 3rd Division ang hiling ni Cudia na magpalabas ng Temporary Restraining Order ang Korte Suprema upang payagan sana siyang maka-graduate sa Philippine Military Academy.
Iniutos din ng Supreme Court na sumagot ang Armed Forces of the Philippines sa petisyong inihain ni Cudia.
Binibigyan ang respondent na kakatawanin ng Office of the Solicitor General na sumagot sa nasabing petisyon sa loob ng 10 araw.
Matatandaan na nitong Biyernes nang nagpasaklolo si Cudia sa SC upang payagan siyang maisama sa mga magtatapos na kadete sa PMA.
Bukod sa TRO, hiniling din ni Cudia na iutos ng KS na igawad sa kanya ang kaukulang pagkilala na nararapat para sa kanya at maisama sya sa listahan ng graduating class ng Siklab Diwa PMA Class of 2014
Si Cudia ay pinatawan ng dismissal ng PMA Honors Committee dahil sa pagsisinungaling nang sya ay mahuli ng dalawang minuto sa kanyang klase.
The post Apela ni Cudia ibinasura ng SC appeared first on Remate.