TUTOL si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Jose Taruc V na maging testigo laban kay dating pangulo at ngayon’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong plunder.
Ito ay kaugnay sa diumano’y paggastos sa P366 milyon na confidential intelligence funds ng PCSO mula 2008 hanggang 2010.
Sinabi ito ni Atty. Felibon Fabella Tacardon, abogado ni Taruc matapos magpasok ng not guilty plea sa Sandiganbayan First Division.
“Walang usapang ganun (na maging testigo),” ayon kay Tacardon matapos samahan si Taruc sa kanyang arraignment kanina kung saan isinumite na rin ng korte “for resolution” ang petisyon para makapagpiyansa.
Tinanggihan din ni Taruc ang pre-trial conference at hiniling ang agarang pagdinig.
Noong Lunes, sumuko si Taruc sa mga opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City.
Nakakulong ngayon si Taruc sa PNP Custodial Center sa naturang kampo.
The post Taruc ayaw tumestigo laban kay GMA appeared first on Remate.