TODAS ang isang negosyante nang barilin ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga suspek habang nagmamaneho ng tricycle ang una kasama ang ka-live-in na magde-deliver sana ng mga softdrinks sa Caloocan City, Miyerkules ng umaga, Marso 19.
Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si Wilfredo Junio, 33, ng Phase 4-B, Bagong Silang ng lungsod.
Sa ulat, alas-10 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle sakay si Roxanne Gabon upang i-deliver ang mga softdrinks at nang sumapit sa Phase 1, Bagong Silang ay sumulpot ang mga suspek at isa ang agad na bumaril sa una.
Matapos ang insidente ay agad tumakas ang mga suspek kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga ito at ano ang motibo sa pamamaslang.
The post Negosyante, todas sa pananambang appeared first on Remate.