IBINASURA ng Sandiganbayan ang kasong malversation laban kay dating Isabela vice governor at congressman Edwin C. Uy.
Ang dahilan, nilabag ng Ombudsman ang karapatan ni Uy na mabigyan ng due process nang patagalin ang pagresolba sa kaso.
Si Uy ay inakusahan ng paglilipat sa P1 million na public funds sa sariling bank account nito noong Setyembre 2000.
Batay sa prosecutors, binigyang pahintulot ni Uy ang paglalabas ng P1.5 milyong provincial funds para sa iba’t ibang proyekto sa lalawigan ngunit ang P1 milyon ay ipina-deposito sa kanyang bank account sa Philippine National Bank – Malig Plains sa Roxas, Isabela.
The post Congressman Uy inabsuwelto ng Sandiganbayan appeared first on Remate.