Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kaya nakipag-break kay Guji: Kaye ayaw pang mag-asawa

$
0
0

INAMIN ngayon ni Guji Lorenzana na hiwalay na nga sila ng aktres na si Kaye Abad matapos ang halos tatlong taon din nilang relasyon.

Matatandaang una nang sinabi ni Kaye na parang “trial and error” ang kanilang naging relasyon ni Guji at sa kasamaang palad ay “error” kaya natuluyan.

Ani Guji, “Well, actually ako, I don’t… ‘di ko inisip na three years yung samahan namin ni Kaye,  e. Kasi umpisa pa lang, wala kaming anniversary date. Basta noong nililigawan ko siya, siguro after nung Bud Brothers. I treat her na as girlfriend ko. Naging loyal ako, lahat. Na gusto naman niya, e, kasi may isang beses na parang nainip ako sa situation namin kasi ‘di namin inaamin, at hindi naman talaga kami.”

Inamin din ni Guji na posibleng na-pressure din si Kaye sa usapin ng pag-aasawa.

“And siguro lahat nun, nasa age namin, alam din niya na ready ako.

“But hindi naman… I never proposed naman, there was no proposal or anything.

“But siguro, nakita niya na ako nasa time na maging seryoso talaga.

“And siya, hindi pa.”

Nang tanungin kung nagparamdam ba siyang gusto na niyang lumagay sa tahimik kay Kaye ang sagot ni Guji ay “Hindi naman…”

“Basta minsan, yung mga hirit ko, like, ‘Wow masaya sila, nasa thirty na sila, yung mga ibang tao may anak na, I want that one day.’

“Hindi ko alam kung na-pressure siya dun.

“Pero alam niya na ready ako.

“Kasi sinasabi rin naman niya sa press na, ako, willing ako mag-wait, pero alam din niya na ready ako.”

Nagpaparinig ba siya kay Kaye tungkol dito?

“Nagdyo-joke lang ako. Hindi naman sa totoo, pero siyempre gusto ko talaga. “Dyinu-joke ko lang palagi sa mga kapamilya niya na, ‘Oo naman, gusto ko talaga.’

“Pero alam ko, hindi pa siya ready. Alam ko naman yun.”

The post Kaya nakipag-break kay Guji: Kaye ayaw pang mag-asawa appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>