Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Home treatments para iwas bad breath

$
0
0

FIRST impressions last.

Kaya naman bukod sa pagkakaroon ng maaliwalas na mukha, magandang mga ngiti, ang pagkakaroon ng mabangong hininga ang pangunahin nating binibigyan ng pansin.

Ayon sa Academy of General Dentistry, kahit noong unang panahon, ang mga ancient Greeks ay sinasabing nagmumumog ng wine, aniseed, myrrh huwag lamang magkaroon ng bad breath. Maging ang mga Italiano ay nagmumumog ng pinaghalong sage, cinnamon, juniper seeds, roots of cypress, at rosemary leave para magkaroon ng mabangong hininga.

Ang pagkakaroon kasi ng mabangong  hininga ay nakadepende sa pinagmumulan nito.

Tinatayang 80 hanggang 90 porsiyento,  ang pagkakaroon ng bad breath ay nagsisimula mismo sa bibig.

Ang plaque na madalas nakikita sa bibig ang sinasabing pinagmumulan ng halitosis o bad breath. Ang cavities at gum diseases ay ikinokonsidera ring sanhi ng pagkakaroon nito, habang ang tooth decay ay di naman gaanong nakaaapekto ngunit ang mga pagkaing naiwan sa singit-singit ng ngipin ay isa ring dahilan ng pagkakaroon ng mabahong hininga.

Bukod sa mga nabanggit, ang pagkakaroon ng bad breath ay maaari ring nagmumula sa lungs o sa gastrointestinal tract. Ang mga pagkaing tulad ng bawang, sibuyas, at alcohol ay nakapagdudulot din ng pagkakaroon nito. Ang sigarilyo ay pangunahing sanhi rin bukod sa mga sakit na tulad ng sinus infections at diabetes (ang mga gamot na iniinom ay nakapagbibigay ng chemical smell na lumalabas naman sa hiniga.

Narito ang ilang home treatments na maaaring gawin upang maiwasang magkaroon ng bad breath.

Clean up your act—proper hygiene ang pangunahing paraan upang magkaroon ng fresh breath. Dapat na magsipilyo ng dalawang beses sa isang araw. Bukod dito, dapat ding mag-floss pagkatapos kumain o bago magsipilyo upang ang mga pagkaing naiwan sa singit-singit ng ngipin ay matanggal

Don’t leave your tongue out of this—siyempre, kapag nagsepilyo, di lamang ang mga ngipin ang dapat na pagtuunan ng pansin. Dapat na sepilyuhin din ang dila kung nais na magkaroon ng mabangong hininga.

Don’t dry out—Ang pagkakaroon ng tuyong bibig ay isa ring dahilan ng  halitosis. Ang natural antibacterial na taglay na laway ay tumutulong  upang linisin ang bibig bukod sa tinatanggal din nito ang food particles na naiwan sa bibig. Ang pagnguya ng chewing sugarless gum o sugarless candy ay maaaring makatulong upang ang pagdaloy ng laway sa ating bibig ay tuloy-tuloy.

Wash it away—Kung hindi naman magawang makapag-toothbrush sa tuwing matapos kumain, ang pagmumumog ng tubig ay makatutulong din. Ang dahilan, tinatanggal nito ang mga food particles na naiwasan sa bibig pagkatapos kumain.

Try a natural breath freshener—Di naman sinasabing ang pagngata ng parsley o spearmint  pagkatapos kumain ay nakagagamot ng bad breath. Ngunit ang scent na taglay nito ay nakatutulong upang pansamantalang maalis ang foul oral odor.

Eat breath-healthy foods—Ang mga pagkaing tumutulong upang makaiwas sa plaque ay maaari ring makatulong upang labanan ang mabahong hiniga. Ang pagkain ng celery, carrots, mani, o kahit low-fat cheese ay mabuti kung nais na magmeryenda.

Use mouthwash, in a pinch—ang mga ito ay nakatutulong upang huwag magkaroon ng bad breath. Ngunit ang epekto nito ay sandali lamang, mula 20 minuto hanggang 2 oras lamang. Hindi rin sinasabing ang paggamit nito ay garantiya na na hindi magkakaroon ng halitosis dahil kahit na sabihing nakakapatay sila ng bacteria sa bibig, mayroon din namang susulpot na bagong bakterya matapos ang ilang oras.

The post Home treatments para iwas bad breath appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>