Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Palaboy sa lansangan lalong dumami

$
0
0

rugbyboys

KINUWESTYON ng isang kongresista si DSWD Secretary Dinky Soliman kung saan kinuha ang pangalan ng mga benebisyaryo ng P66-bilyon Conditional Cash Transfer (CCT).

Ani BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza, kailangang magpaliwanag ni Soliman dahil sa halip aniyang kumonti ang palaboy sa Metro Manila ay lalo pang dumarami.

Banta pa ni Atienza na bubusisiin nang husto ng Kamara ang budget ng DSWD sa 2015 upang hindi na maulit ang kaparehong pagkakamali.

Naunang pinuna ni Atienza ang paglobo ng bilang ng mga palaboy sa Metro Manila.

Dahil dito, kinalampag ni Atienza si Soliman dahil sa tila walang ginagawa ang tanggapan nito upang sawatain ang pagdami ng palaboy sa Kamaynilaan.

Kinuwestyon pa ng mambabatas kung saan at ano ang napapala ng mga mamamayan na kabilang sa sector ng mahihirap sa ipinangangalandakang P66 bilyon CCT ng DSWD.

Malaking kabiguan aniya ang pagpapatupad sa CCT na nagmula sa bulsa ng taxpayers dahil kahit ang mga sanggol at bata na pagala-gala sa kalye ay hindi mahanapan ng masisilungang bahay.

The post Palaboy sa lansangan lalong dumami appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>