Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Lahat damay sa P4-B unliquidated cash advances – Malakanyang

$
0
0

WALANG sasantuhin dahil pananagutin ng Malakanyang ang mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na responsable sa P4-billion na unliquidated cash advances na kinuha ng mga ito.

Binigyang diin ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na damay din sa usaping ito ang mga opisyal at empleyado ng nagdaang administrasyon.

At gaya aniya ng inihayag ni CoA chair Grace Pulido-Tan, masasabi lamang na nilustay o nagamit sa maling paraan ang pondo kapag dekada na ang binilang at kapag taon na ang lumampas.

Sa ulat, makaraan ang ilang dekada ay “clueless” pa rin ang CoA kung saan napunta ang P4 bilyong pondo na inilaan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga non-government organizations.

Sinabi ni CoA chairperson Grace Pulido Tan na itinuturing na nilang nagamit sa maling paraan ang mga nawawalang pondo mula sa kaban ng bayan.

Inihahanda na ng CoA ang pagsasampa ng kaso sa mahigit 100 katao na hindi nakapagpaliwanag kung saan nila dinala ang mga perang ipinagkatiwala sa kanila.

Ngunit, inamin din ni Tan na nahihirapan ang ahensya na habulin ang mga taong nasa likod ng mga transaksyong ito dahil ang iba sa mga ito ay namatay na o umalis na bilang kawani ng gobyerno.

Dagdag pa ni Tan, uunahin muna raw nilang sampahan ng kaso ang mga taong hindi nakapag-liquidate ng halagang P1 milyon pataas.

Ang Civil Service Commission naman umano ang tutugis sa mga opisyal ng gobyerno na may mas mababang mga pananagutan, ani Tan. Sa salary deduction na lang umano idadaan ang pangongolekta sa mga ito.

The post Lahat damay sa P4-B unliquidated cash advances – Malakanyang appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>