MULING hiniling ng isang paring Katoliko sa pamahalaan na muling magpatupad ng price freeze sa mga lugar sa Leyte na matinding nasalanta ng nagdaang bagyong Yolanda.
Ito’y upang matulungang makabangon muli ang mga biktima sa kanilang pagkakasadlak mula nang manalansa ang bagyo mahigit apat na buwan na ang nakalilipas.
Ayon kay Fr. Amadeo Alvero, tagapagsalita ng archdiocese ng Palo, Leyte, problema pa rin sa kasalukuyan ng mga taga-Leyte ang mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Iginiit ni Alvero, labis niyang ikinalulungkot ang kanilang kalagayan sa Leyte dahil sa patuloy na paghihirap ng kanyang mga kababayan sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin partikular na ang pagkain.
Umapela naman ang pari sa pamahalaan na aksyonan na ang problema upang hindi na madagdagan pa ang pasanin ng mga biktima ng kalamidad.
The post Prize freeze sa Leyte, muling hiling sa pamahalaan appeared first on Remate.