ALLS well that ends well.
Tila ito ang nais ipahiwatig ng Malakanyang sa nangyaring picture-taking sa idinaos na panunumpa ng Leagues of Local Units and Elective Officials at LMP General Assembly sa Manila Hotel, Maynila kaninang umaga.
Sinabi ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na hindi man malinaw ang konteksto ng “okey” na sina Pangulong Benigno Aquino III at Ilocos Norte Provincial Governor Maria Imelda Josefa Romualdez Marcos subalit naging kapansin-pansin ang pagiging magiliw ng dalawa sa isa’t isa.
“Ano ba ang konteksto nu’ng ‘okay’? Sa akin lang kung makikita kong nakangiti at masaya ang ating mga pinuno ng bansa, ‘di ba dapat tayo ay magalak din?,” ang pahayag ni Sec. Coloma.
Samantala, sa picture taking sa nasabing okasyon ay pinagitnaan nina Pangulong Aquino at DILG Sec. Mar Roxas si Gov. Imee Marcos.
The post Aquino at Marcos okay na sa wakas appeared first on Remate.