MATAPOS ang ilang taon ay nag-top 1 muli ang isang taga-University of the Philippines (UP) sa katatapos 2013 Bar Examinations.
Ayon kay Supreme Court (SC) Associate Justice Arturo D. Brion, Chairperson of the 2013 Committee on the Bar Examinations, si Nielson Pangan ng UP ang nanguna sa 1,174 pumasa sa pagsusulit. Nakakuha ng 85.8% na resulta si Pangan.
Habang pantay naman sa ikalawang puwesto sina Mark Oyales ng UP at Dianna Wilwayco ng Ateneo de Manila University (ADMU).
Ang taga-University of Batangas naman na si Rudy Ortea ang pumangatlo.
Ang iba pang pasok sa top 10 ay sina Eden Mopia ng UP, 4th place, Tercel Mercado-Gephart ng University of San Carlos, 5th place, Manuel Sarausad, University of Cebu, 6th place, Katrine Suyat, San Beda College-Manila, 7th place, Michael Tiu, Jr., UP, 8th place, Marjorie Fulgueras, ADMU, 9th place at 10th place si Cyril Arnesto, UP.
Mula sa 5,292 na kumuha ng pagsusulit ay pumalo lamang sa 22.15 porsyento ang nakapasa ngayong taon.
Nakatakdang manumpa sa Abril 28, 2014 sa Philipine Inetrnational Convention Center (PICC) ang mga bagong abogado.
The post Pagiging bida sa Bar Exams nabawi ng UP appeared first on Remate.