NADAKIP ang sinasabing lider ng carnapping syndicate dahil sa bisa ng warrant of arrest sa bahay ng biyenan ng una sa Caloocan City, Lunes ng gabi, Marso 17.
Kinilala ang nadakip na si Jomel Salvatierra, nasa hustong gulang ng Malolos, Bulacan.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na si Salvatierra ang lider ng Salvatierra Carnapping Group at nang makakuha ng warrant of arrest na ipinalabas ni Acting Presiding Judge Mary Ann Corpus-Mañalac ng Malolos, Bulacan RTC Branch 82 sa kasong illegal possession of firearm ay sinugod nina Senior Insp., Amor Cerillo, hepe ng Anti-Carnapping ng Caloocan City Police ang pinagtataguan ng suspek sa bahay ng biyenan nito sa Wyoming St., Vista Verde North, Llano ng lungsod, dakong alas-6 n gabi.
Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ng mga pulis kung saan nabawi sa nasabing lugar ang Nissan Frontier (ZTJ-788) na pag-aari ng Three Step Corporation.
The post Lider ng carnapping syndicate tiklo sa Caloocan appeared first on Remate.