Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Libangan sa tag-araw

$
0
0

MALAPIT na ang summer!

Paboritong panahon ng kabataan dahil wala nang pasok at pahingang engrande nga naman.

Magagawa na ang mga bagay na gustung-gusto kagaya nang paggising ng tanghali at maglamay sa telebisyon.

Pero dapat bang gugulin ng bagets ang kanilang oras sa panonood lamang ng telebisyon? Mukhang magiging walang kakuwenta-kuwenta ang bakasyon kapag nagkataon.

Kaya kahit malayo pa ang bakasyon, narito ang ilang outdoor activities na maaaring paghandaan ngayon pa lang:

SURFING– Kung akala n’yo sa ibang bansa lamang ang sports na ito? Hindi yata, laganap na rin sa Pilipinas ang surfing at ito ay dinadayo pa katulad sa surfing beaches sa Siargao at La Union. Sabi ng isang eksperto sa surfing, mas mainam na matutunan ito habang bata pa dahil mas madali pang makakapagbalanse. Tamang panahon ang tag-init sa surfing lessons kasi hindi pa kalakihan ang mga alon.

TREKKING – Adbenturero ka ba? Kung oo, aba’y dapat mo itong subukan. Nandiyan ang Mt. Banahaw na kilala sa pagiging misteryoso. Kaya kung trip mong mag-ghost hunting, ito ang bundok na perfect sa trip mo. Kung gusto mo namang mapalapit sa kalikasan, ang Bundok Kinabuhayan sa Dolores, Quezon ang dapat puntahan.

WHITE WATER RAFTING– Isa na namang water sports na tinataguyod sa ating bansa. Ang Cagayan River ay kilalang-kilala rito. Mga naglalakihang bato at mabilis na agos ng tubig ang makakaharap mo kaya nga bagay ito sa mga barkada o tropang mahihilig sa mga extreme thrills at excitement. Pero delikado ang white water rafting kaya siguruhing magsama ng isang eksperto habang ginagawa ito.

KART RACING– Kung ikaw ay mahilig sa mabibilis na sasakyan o mabilis magpaandar na para bang laging may karera, ito ay para sa iyo. ang Kart Racing ay isang sports ng pabilisan ng mga maliliit at mababang sasakyan na kung tawagin ay Go Kart. Madali lamang paandarin ito dahil aapakan mo lamang ang silinyador at swooosshh… mabilis ka nang tatakbo. Hindi dapat makalimutan magsuot ng helmet. Ito ay puwede mong subukan sa may likod ng Boom na Boom Carnival sa may Roxas Boulevard.

The post Libangan sa tag-araw appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>