BUKAS ang Malakanyang na pag-aralan ang income tax rates sa Pilipinas subalit sa susunod na taon pa.
“Let’s study [that] next year, not only just the income tax rates but let’s study the comprehensively the Tax Reform Act of 1997,” ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.
Tugon ito ni Lacierda sa ipinalabas ni Senador Sonny Angara na Senate Bill No. 2149 na humihiling na i-adjust ang individual income tax brackets at babaan naman ang individual income tax simula Enero 2015.
Sa pagsapit ng 2017, hihilingin naman ng batas na babaan ang tax rates ng 10 porsiyento mula sa 15 porsiyento para sa mga kumikita ng P20,000 hanggang P70,000 at 25 porsiyento naman mula sa kasalukuyang 32 porsiyento para naman sa kumikita ng mahigit P1 million.
Nauna rito, sinabi naman ni Internal Revenue (BIR) na may pangangailangan na pag-aralang mabuti ang nasabing panukala.
The post Malakanyang bukas sa usaping income tax rates ng Pinas appeared first on Remate.