MAGRERESULTA ng mas malawak na benepisyo sa Pilipinas kapag naselyuhan na ang kasunduan ukol sa pagpapalobo ng rotational presence ng American forces sa bansa.
Ang kasunduan, ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda na pinalutang sa umiiral na kasunduan sa gobyernong Obama gaya ng Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Treaty ay siguradong makatutulong sa Pilipinas sa aspeto ng technology transfer at disaster response.
Nakikita na ng gobyerno ng Pilipinas ang malaking improvement pagdating sa pagdaragdag ng rotational presence lalo na kapag naipadala na ng American military ang kanilang assets sa Central Visayas matapos salantain ng bagyong Yolanda.
Nauna nang nagpadala ang gobyernong Obama ng barko, helicopters at military vehicles para tulungan ang pamahalaan sa pagdadala ng relief goods, supplies at equipment sa naapektuhang Visayas region.
Samantala, hindi na kailangan pang ratipikahan ng Senado ang bagong pagdaragdag ng rotational presence pact sa Estados Unidos.
The post Mas malawak na benepisyo sa bagong kasunduan ng Pinas at US appeared first on Remate.