Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Malakanyang gigisahin si Gen. Purisima

$
0
0

GIGISAHIN muna ng Malakanyang si Philippine National Police (PNP) Director General Alan La Madrid Purisima upang malaman kung may katotohanan ang ibinunyag ni HUDCC Deputy Secretary General at Assistant Secretary Daniel Subido na pinag-isipan ng isang police officer na pakawalan ang negosyanteng si Delfin Lee na nahaharap sa kasong P6-B Globe Asiatique housing scam.

Aalamin kay Gen. Purisima kung ano ang magiging hakbang nito sa isyu bago pa nila irekomenda ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa usapin.

Sa ulat, sinabi ni Subido na “It is incredulous for the Philippine National Police to even consider releasing an apprehended accused based on the mere representations of the latter’s lawyer on the purported invalidity of the warrant of arrest. Clearly there must have been influential people that worked on the actual delisting of Mr. Lee from the Warrant of Arrest Information System and pressured the PNP to cause Mr. Lee’s release despite the existence of a valid warrant of arrest.”

Ayaw naman nang magkomento ni Sec. Lacierda sa isyu kung ligal o hindi ang pag-aresto kay Lee sa lebel ng mga kapulisan dahil taga-implementa lamang ang mga ito ng Korte Suprema lalo pa’t P2 milyon ang nakapatong sa ulo ni Lee.

Nauna rito, nakarating na rin sa tanggapan ni VP Jejomar Binay ang isiniwalat ni Subido. Si Binay ang chairman ng Board of Trustees ng Home Mutual Development Fund (Pag-IBIG Fund).

Sinabi ni Subido na agad siyang inatasan ni Binay na pumunta ng Camp Crame matapos malaman na naaresto na si Lee.

Naalarma kasi si Binay sa mga nakuhang report na may mga maiimpluwensyang tao ang nagpresyur sa PNP officials para palayain si Lee.

The post Malakanyang gigisahin si Gen. Purisima appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>