Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Salvage victim itinapon sa Pasay

$
0
0

ISA na namang biktima ng “summary execution” ang natagpuang nakabalot ng packaging tape ang mukha at itinapon sa gilid ng kalsada kagabi sa Pasay City.

Inilarawan ang biktima na nasa edad ng 25 hanggang 30, may taas na 5’7, maliit ang pangangatawan, nakasuot ng itim na short pants at camouflage na sando.

Sa imbestigasyon, alas-9:45 kagabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa harapan ng 2635 Mapua Compound, Barangay 86, Zone 9 ng nabatid na lungsod.

Ayon kay Ma. Teresa Flores, isang street  sweeper ng Pasay City hall Solid Waste Management, nagwawalis siya sa kalsada ng nabatid na lugar nang matagpuan ang wala nang buhay na biktima kaya agad niya itong ipinagbigay alam sa gwardiya ng JPA Bakery na malapit sa kanto ng Taft Ave. at F. Sanchez St.

Inireport naman ng mga gwardiya ang insidente sa pulisya kung saan agad naman silang rumesponde sa pinangyarihan ng insidente.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, natagpuan ang bangkay ng biktima kung saan nakabalot pa ng packaging tape at may nakasabit na karatula sa leeg nito na nakasaad ang “ADIK AKO AT MAMAMATAY TAO, WAG TULARAN. DALHIN NIYO NA LANG AKO SA MERVILLE.”

Inaalam pa ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay ng biktima kung ito ay binaril, sinaksak o sinakal bago itinapon sa kalye.

The post Salvage victim itinapon sa Pasay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>