PROBLEMADO sa kanyang live-in partner kaya tumalon mula sa 19th floor ng pinagtatrabahuang gusali pabulusok sa kanyang kamatayan ang 28-anyos na laborer sa Ermita, Maynila kagabi.
Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Edil Henry, stay-in laborer sa Tower 5 Suntrust Parkview, Concepcion St., Ermita, Manila.
Sa report, alas-11:20 kagabi nang naganap ang insidente sa nasabing gusali.
Ayon kay Al John Arago, 21, kasamahan ng biktima, alas-9:00 kagabi nang dumating ang biktima sa barracks at nagpabili ng gin at nakipag-inuman sa mga kasamahang sina Kenneth Nocor, Jimmy Gambal at Orlan Baldos.
Sa kalagitnaan ng inuman ay idinaing ng biktima ang kanyang problema hinggil sa kanyang ka-live-in.
Ilang sandali pa ay kinuha ng biktima ang sim card ng kanyang cellphone, pinutol at isinanla ang cellphone sa halagang P200 kay Orlan at nagyayang mag-beer house.
Nang malasing ay nagbalikan na ang mga magkakasama sa trabaho sa kanilang barracks
Alas-11:20 kagabi nang gisingin ni Arago ang mga kasamahan at ibinalitang nalaglag sa hinuhukay na kanal na mayrooong tubo sa ilalim ang biktima.
Inaalam na kung sinadya ng biktimang magpakamatay.
The post Problemado sa ka-live-in, 19th floor tinalon ng kelot appeared first on Remate.