Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Ateneo at La Salle, magkakaalaman na

$
0
0

MATATAPOS bukas ang hulaan kung sino ang mag-uuwi ng titulo sa nagaganap na 76th UAAP Women’s Volleyball Tournament Finals.

Nasagad ang paghaharap ng defending champion De La Salle University Lady Spikers at third seed Ateneo Blue Eagles kaya sa 3:30 ng hapon bukas sa Mall of Asia Arena magkakaalaman na kung sino ang tatanghaling kampeon.

Top ranked ang Lady Spikers pagkatapos ng 14-game eliminations round kung saan ay winalis nila ang lahat ng laro upang dumiretso agad ito sa Finals bitbit ang thrice-to-beat advantage.

Bago sumampa sa Finals ang Katipunan-based squad Lady Eagles, binaybay muna nito ang stepladder semifinals games.

Dinakma ng Lady Eagles ang No. 4 Adamson University Lady Falcons sa do-or-die game at pagkatapos ay ginapos nila ang ranked No. 2 at may twice-to-beat advantage, National University Lady Bulldogs.

Napahaba ng Ateneo ang Finals showdown nila kontra four-peat seeking Lady Spikers matapos manalo sa Game 1, 25-17 23-25 25-13 25-20.

Bumawi ang La Salle sa Game 2, 25-14 25-20 19-25 26-24 upang mamuro sa asam na titulo.

Nauwi sa winner-take-all ang laban ng mahigpit na magkaribal na Ateneo at La Salle matapos ilista ng una ang, 25-21 25-23 18-25 16-25 17-15 panalo sa Game 3.

The post Ateneo at La Salle, magkakaalaman na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>