ITINANGGI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isinuko na ng Pilipinas ang Ayungin Shoal sa bansang pilit na umaangkin dito.
Ayon kay DFA Undersecretary Raul Hernandez, mali ang alegasyon at ulat na ipinapakalat ng Tsinan na ipu-pull-out na ng bansa ang nasabing teritoryo.
Sa katunayan aniya, hindi aalisin ng Pilipinas ang Naval vessel na BRP Sierra Madre na kasalukuyang naka-deploy sa Ayungin Shoal kung saan nakapuwesto na ito noon pang 1999 upang magsilbing Philippine Government Installation laban sa pananakop ng China sa mischief reef noong 1995.
Nangyari ito bago pa malagdaan ang Declaration of Conduct of Parties in the South China Sea noong 2002.
Matatandaan na noong nakaraang linggo, dalawang sasakyang pandagat ng Pilipinas na naglalaman ng supplies at papadaong sana sa Ayungin shoal nang paalisin ng Chinese coast guards.
Ang Ayungin shoal ay matatagpuan sa West Philippine Sea, malapit sa Palawan.
The post Pagsuko sa Ayungin shoal sa China itinanggi ng DFA appeared first on Remate.