LALAGDAAN na sa Marso 27 ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang isinasapinal pa kung saan ito gaganapin.
Kinumpirma ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles na matapos ang 17 taong negosasyon ng gobyerno sa MILF ay magkakaroon na ng political settlement sa dalawang panig.
Anya, higit na makatutulong ito sa ikauunlad at ikatatahimik ng Mindanao.
Naimbitahan naman sa lagdaan ang unang kardinal mula Mindanao na si Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo.
Anya, si Pangulong Noynoy Aquino ang mismong nag-anyaya sa kardinal.
Nakapaloob sa CAB ang mga annex na una nang nalagdaan ng dalawang panig.
Magbabalangkas na ng draft ng Bangsamoro Basic Law matapos malagdaan ang CAB.
Isusumite naman ito sa Pangulo upang matalakay at maisabatas ng Kongreso.
The post Comprehensive Agreement ng Bangsamoro, lalagdaan sa Marso 27 appeared first on Remate.