NAGBIGAY ng labis na paghanga sa Humanitarian Projects at Housing projects ng Iglesia Ni Cristo (INC) para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na ginanap sa Tacloban City ngayong umaga.
Agad na nagpasalamat sa pamunuan ng Iglesia Ni Cristo si Romualdez kasunod ng ground breaking ceremony na pinangunahan ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC na si Bro. Eduardo V. Manalo para sa housing project ng INC sa Sitio New Era, Barangay Langit, Alang-Alang, Leyte.
Ang ground breaking ay sinundan naman ng Humanitarian Projects na kinabibilangan ng libreng medical, dental mission at pamamahagi ng relief packs ngayong maghapon.
Umaasa si Romualdez na tutularan ng iba pang organisasyon ang patuloy na pagtulong ng INC sa mga Yolanda survivor.
Naunang tiniyak ni Romualdez ang “all out support” para mapadali ang implementasyon ng lahat ng charity projects ng INC para sa Yolanda survivors.
Sinabi ni Romualdez na matapos ang isang special service, namahagi ang INC ng may 100,000 relief packs sa mga biktima ng ‘Yolanda.’
Bukod sa pabahay na itatayo sa Sitio New Era, magtatayo rin dito ng textile factory at eco-farming projects.
Si Congressman Romualdez ay isa sa naimbitahan sa ground breaking at iba pang aktibidad ng INC kasama sina Tacloban City Mayor Alfredo Romualdez at maybahay na si Konsehala Kristine Gonzales-Romualdez.
The post Housing at livelihood sa Yolanda victims inilunsad ng INC appeared first on Remate.