Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

UPDATE: 4 lagas sa trak at kotse sa Cavite kinilala na

$
0
0

APAT ang patay kabilang ang isang anak ng retiradong police general nang sumalpok ang kanilang pababang kotse sa paakyat na trak sa Cavite town kaninang madaling-araw, Marso 14.

Dead-on-arrival sa Metro South Hospital sa Molino, Cavite sanhi ng kapansanan sa ulo at katawan ang nagmamaheno ng Honda SiR (WHF-898) na si Joan Toledo, anak ng isang retiradong police general na hindi nakuha ang unang pangalan, at Lui Alcaraz, Rogelio Santos, Jr. at Armando San Pedro, na pawang pasahero ni Toledo.

Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlong pang biktima na pawang pasahero ni Toledo.

Nasa kustodiya na ng Dasmariñas PNP at sasampahan na ng patong-patong na kaso ang suspek na si Rico Andes, drayber ng Isuzu truck (TXG-625).

Naganap ang insidente bago mag-ala-sais ng umaga sa Aguinaldo Highway sa San Agustin 1, Dasmariñas, Cavite.

Ayon kay Dasmariñas Police Supt. Carlos Barte, paakyat ng Tagaytay City ang trailer truck na minamaneho ni Andes habang paluwas naman ng Metro Manila ang kotseng sinasakyan ng mga biktima.

Pagdating sa nabanggit na lugar, sa hindi pa malamang dahilan, biglang nagsalpukan ang dalawang sasakyan na nagresulta sa pagkamatay ng apat na pasahero ng kotse.

The post UPDATE: 4 lagas sa trak at kotse sa Cavite kinilala na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan