HINDI lamang ang negosyanteng si Delfin Lee ang dapat managot sa P6.6 billion housing scam sa Pampanga, kundi maging ang mga kasabwat nito sa gobyerno.
Ito ang iginiit ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, national director ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Ayon kay Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA), hindi makakakilos ang developer na si Lee, may-ari ng Globe Asiatique, kung wala itong kasabwat sa sangay ng gobyerno sa pabahay gaya ng Pag-IBIG Fund.
Nagpahayag naman ng pag-asa si Pabillo na hindi lamang papanagutin ang mga may sala sa anomalyang ito kundi maibabalik din sa mga biktima ang kanilang pinaghirapang pera.
Labis ding ikinalulungkot ng Obispo na ang mga biktima ay pawang mamamayang nagsisikap upang magkaroon ng sariling matitirahan.
The post Kasabwat ni Delfin Lee panagutin din appeared first on Remate.