ANIM na araw matapos mawala, nananatiling misteryo ang kinaroroonan ng Malaysia Airlines flight 370.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Malaysian authorities katuwang ang ibang bansa, at sa pinakahuling ulat, palalawakin na ang paghahanap hanggang sa Indian Ocean.
Ayon kay White House Spokesman Jay Carney, may bagong impormasyong nagtuturo na posibleng umabot sa Indian Ocean ang eroplano.
Hindi na nito idinetalye ang naturang impormasyon, pero ayon sa US officials na nakapanayam ng CNN, may kaugnayan ito sa naunang suspetsa na lumipad pa ng ilang oras ang Malaysian plane matapos mawalan ng contact dito.
Una naman nang sinabi ng opisyal ng Malaysia na malabo itong mangyari kasabay ng pahayag na nagnegatibo rin ang naispatang palutang-lutang na bagay ng Chinese satellite.
Ayon kay Carney, nakikipag-ugnayan na sila sa ibang bansa para sa pagpapadala ng team sa Indian Ocean.
The post Paghahanap sa Malaysian plane pinalawak hanggang Indian Ocean appeared first on Remate.