SUGATAN ang apat katao makaraang araruhin ng isang trailer ang lima pang sasakyan sa intersection ng C5 at Ortigas Avenue sa Pasig City, kaninang madaling araw.
Kabilang sa nasugatan ang drayber ng dyip na si Christopher Brigildo at ang konduktor nitong si Rey Magtangob. Sugatan din sina Alma Macasindi at Leo Munga.
Sa paunang ulat, nawalan ng preno ang trailer truck na minamaneho ni Lauro Jocson sa southbound lane ng C5 papalapit sa intersection habang naka-red light.
Dahil dito, inararo ng truck ang tatlong pampasherong dyip, Isuzu Crosswind at isa pang trak.
Nagdulot ng trapik sa lugar ang karambola ng mga sasakyan sa lugar kanina.