BINISTAY ng bala ang magkasosyo sa pagpapatakbo ng restaurant sa Bulacan province nitong Martes ng alas-8 ng gabi.
Kapwa isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ang mga biktimang sina Ana Maria Trinidad at Charlie Aquino, may-ari ng Dambu’s cafe and restaurant na nasa Barangay Saluysoy, Meycauayan, Bulacan.
Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa suspek pero may palagay na ito ay isang hired killer dahil ayon na rin sa estilo nang pagpatay nito .
Ayon sa isang tauhan ng nasabing restaurant, kabubukas lang nila nang biglang pumasok ang isang lalaki na inakalang customer na nakasuot ng helmet.
Pero imbes umorder, nilapitan nito si Trinidad at saka binaril .9-mm pistol.
Nagawa namang dambahin ni Aquino ang suspek hanggang sa magpambuno pero nabuwal ito kaya nabaril ng suspect.
Tumakas naman ang suspect at sumakay sa isang motorsiklong binantayan ng kanyang kasabwat.
Hawak na ng lokal na pamahalaan ang CCTV ngunit tumangging isapubliko muna ito habang inilalatag pa ang kanilang imbestigasyon.
The post Magkasosyo sa resto, binistay ng bala appeared first on Remate.