NAKAHIRIT pa ng do-or-die game sa Sabado ang Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles nang talunin ang defending champion De La Salle University (DLSU) Lady Spikers sa UAAP women’s volleyball finals kanina.
Sa harap ng mahigit 18,000 volleyball fans, pinaluhod ng Ateneo ang La Salle sa makapigil hiningang fifth sets sa iskor na 25-21, 25-23, 18-25, 16-25, 17-15.
Dahil sa panalo ng Lady Eagles, magkakaroon ng winner take-all sa araw ng Sabado.
May pagkakataon na sanang selyuhan ng Lady Spikers ang panalo ngunit nagawang habulin ng Ateneo ang apat na puntos na kalamangan ng La Salle.
The post Lady Eagles nakahirit pa ng do-or-die game appeared first on Remate.