ITINANGGI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na trak-trak na donasyong pagkain ang ibinaon nila sa Palo, Leyte.
Ayon kay DSWD Officer Lina Balderas, apat na sako lamang ng bigas ang ibinaon nila dahil basa.
Pwede pang makain ang mga nakuhang biscuit at cupcakes sa naturang dumpsite kahit durog.
Nagmukha marami ang naitapon dahil sa mga kartong walang laman.
Nasira umano ang mga donasyon dahil nabasa noong kasagsagan nang pananalasa ng Bagyong Yolanda at hindi agad nakuha ng mga barangay captain.
Gayunman, mayroon pa umano silang mga kape, gatas at biskwit.
The post Relief goods hindi itinapon – DSWD appeared first on Remate.