HINARANG ng Supreme Court (SC) ang pagbasura ng Court of Appeals (CA) sa arrest warrant ng negosyanteng si Delfin Lee.
Ayon kay Supreme Court-Public Information Office (SC-PIO) Chief Theodore Te na nagpalabas ng indefinite temporary restraining order (TRO) ang Third Division laban sa desisyon ng CA.
Matatandaang ipinawalang-bisa ng CA ang arrest warrant kasabay nang pag-abswelto sa presidente ng Globe Asiatique (GA) sa kasong syndicated estafa noong Nobyembre 2013.
Nangangahulugan na ligal ang pag-aresto sa kanya ng Philippine National Police (PNP) Task Force Tugis noong nakaraang linggo dahil may bisa pa rin ang arrest warrant kay Lee.
Una nang pinanghawakan ng kampo ng negosyante ang desisyon ng CA at iginiit pang may dokumento silang makapagpapatunay na abswelto na ito sa kaso.
Kanina ay humarap pa sa CA ang kampo ni Lee at ang hanay ng PNP at National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng isyu ng pag-aresto.
Matapos ang pagdinig, nagbalik-Pampanga Provincial Jail ang negosyante.
The post Pagbasura sa arrest warrant ni Lee hinarang ng SC appeared first on Remate.