IPAGBABAWAL na sa primetime ang mga dayuhang telenovela.
Isinulong ni BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza na ipagbawal na ang pagpapalabas ng mga dayuhang telenovela o teleserye sa mga telebisyon tuwing primetime.
Nakapaloob sa House Bill 3839 ni Atienza na hindi dapat maipalabas sa telebisyon ang mga dayuhang panoorin mula alas-6:00 ng gabi hanggang alas-10:00 ng gabi.
Giit ni Atienza na dahil sa pagbaha ng mga dayuhang teleserye sa bansa sa panahon ng primetime ay napupunta naman ang lokal na palabas sa oras na kakaunti ang nanonood o halos mga tulog na.
Ang masama pa anyang epekto nito ay hindi na masyadong nagpo-produce ang mga lokal na television companies ng sariling shows kaya nawawalan din ng oportunidad ang local talents.
“While it is entertaining to watch television shows also known as teleseryes, from our neighboring countries such as South Korea, Japan and Taiwan, the proliferation of such shows lessens the time available for our Philippine-produced shows.”
The post Dayuhang telenovela ibabawal sa primetime appeared first on Remate.