Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Selebrasyon ng Valentine’s Day gawing ispiritwal – simbahan

$
0
0

KAILANGANG mabago ang secular concept ng Valentine’s Day na ipinagdiriwang ng mga magsing-irog tuwing Pebrero 14, na nagiging commercial celebration na lamang at walang “spiritual way” sa paggunita nito.

Ito ang paninindigan ni Fr. Cunegundo Garganta, executive secretary ng Episcopal Commission on Youth ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

“Secular concept that we have to change, yung commercial celebration. Kailangang magkaroon ng spiritual way of celebrating it, reminding those who are in the bonds of marriage to observe fidelity between man and woman. And for youth, learning to wait for the right time for respecting the value of patience and pure love,” wika ni Garganta sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Ayon pa kay Garganta, hindi isang Christian celebration ang Araw ng mga Puso ngunit dahil sa kasikatan ng naturang okasyon, na madalas na ipinagdiriwang ng ilang magsing-irog sa pamamagitan ng ‘panandaliang pagmamahalan,’ ay nagpasya ang Simbahang Katoliko na pasukan ito ng spiritual dimension o gabay kung paano ito ipagdiriwang.

Ipinapaalala lagi aniya ng Simbahan na ang selebrasyon ng Araw ng mga Puso ay pagdiriwang sa kahalagahan ng pagiging tapat sa isa’t isa ng magkasintahan at mag-asawa at hindi pagkakaroon ng panandaliang pagmamahalan.

Dagdag pa ni Garganta, dapat na ipakita ng mga nagmamahalan ang kahalagahan ng respeto, chastity at purity sa isa’t isa sa mismong Araw ng mga Puso.

Binalaan din ng pari ang mga kabataan na huwag magpadala sa mga panandaliang pagmamahalan na posibleng mangyari sa Araw ng mga Puso dahil maaari itong maging sanhi ng mga bagay na kalaunan ay maaaring pagsisihan nila.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>