HINATULAN ng 3 years probation ang misis ni Senator Lito Lapid na si Marissa sa kanyang kasong pagpupuslit ng dolyar sa Amerika.
Bukod sa tatlong buwang house arrest, pinagbabayad din si Marissa, 55-anyos ng $40,000 at pagkuha ng Amerika sa kanyang mga deposito sa tatlong bangko sa Las Vegas na nagkakahalaga ng $159,000 o P6.5 milyon.
Matatandaan na hinuli ng awtoridad sa US si Marissa dahil sa tangkang pagpupuslit ng dolyar noong Enero 2012.