NIYANIG ng lindol na magnitude 8.1 ang Solomon Islands, kaninang umaga.
Nabatid sa United States Geological Survey (USGS), bandang alas-9:12 ng umaga nang maganap ang pagyanig na may lalim na 28.7 kilometers (km) at naramdaman sa intensity 8 sa bayan ng Lata.
Dahil dito, agad naglabas ng tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Center sa Solomon Is., Vanuatu, Nauru, Papua New Guinea, Tuvalu, New Caledonia, Kosrae, Fiji, Kiribati at Wallis and Futuna.
Epektibo naman ang tsunami watch sa Marshall Islands, Howland and Baker, Pohnpei, Tokelau, Samoa, Kermadec Islands, New Zealand, American Samoa, Tonga, Australia, Niue, Cook Islands, Indonesia, Wake Island, Chuukjarvis Island, Guam, Northern Marianas, Palmyra Island, Yap, Johnston Island, Minamitorishima at Belau.
Maging sa Pilipinas ay idineklara ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang tsunami alert level 1 na agad din namang kinansela.
Nabatid na may naganap nang tsunami sa Solomon Is. na .9 meter o halos tatlong talampakan.