Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pick-up van natagpuang tadtad ng tama ng bala

$
0
0

AMINADO ang mga tauhan ng Taguig City police na blangko pa rin sila hinggil sa natagpuang pick-up van na tadtad ng tama ng bala kaninang madaling-araw sa Taguig City.

Kasalukuyang nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa naganap na insidente kung saan inaalam pa nila kung kanino naka-rehistro ang Mitsubishi Strada (RLY-330) na natagpuang nakaparada sa labas ng Heritage Park sa Bayani Road, Barangay Pinagsama, Fort Bonifacio dakong alas-2 ng madaling-araw na flat ang mga gulong at tadtad ng tama ng bala.

Nabatid kay Taguig police chief S/Supt. Arthur Felix Asis, inaalam pa ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) kung anong uri o kalibre ng baril ang ginamit nang tadtarin ng bala ang sasakyan na naging dahilan ng pagkabasag din ng mga salamin.

Wala namang nakitang bakas ng dugo sa loob at labas ng sasakyan bagama’t may mga basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang natagpuan ng pulisya.

Ayon sa pulisya, sa oras na matukoy na nila kung kanino naka-rehistro ang naturang sasakyan, magiging daan na ito upang unti-unting malinawan ang motibo sa pagpapaulan ng bala sa naturang pick-up van.

The post Pick-up van natagpuang tadtad ng tama ng bala appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>