“WALA po akong naalala, bumalik na lang po ang aking katinuan nang nililinis ko na ang mga ebidensya sa krimen na akin palang ginawa?”
Ito ang sising-sising pahayag ng 17-anyos na binatilyo na hindi pinangalanan kay P03 Jaime De Jesus ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) hinggil sa pagpatay niya sa kanyang 68-anyos na lola nitong Biyernes ng gabi sa kanilang bahay sa Barangay Batasan Hills.
Ang nasabing binatilyo na mula sa isang broken family ay laging tinatalakan ng matanda kapag may ginawang mali.
Dahil isang menor-de-edad, ipinakustodiya muna ang suspek sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kaukulang disposisyon.
Matatandaang pinagpapalo ng suspek ang kanyang lola nang istorbohin nito ang kanyang paglalaro ng computer games na Defense Of The Ancients (DOTA).
The post Inistorbo sa paglalaro ng DOTA, lola pinatay ng 17-anyos apo appeared first on Remate.