Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

LEDAC hindi na kailangang i-convene ni PNoy

$
0
0

HINDI na kailangan pang i-convene ni Pangulong Benigno Aquino III ang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) para lamang pabilisin ang pagpapasa ng mga panukalang batas na suportado ng pamahalaan.

Ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr. na kahit hindi pa nagpupulong nang pormal ang LEDAC ay patuloy  ang trabaho ng pakikipag-ugnayan ng Ehekutibo at Kongreso.

Bukod pa aniya sa patuloy ‘yung masinsing pag-uusap na pagsulong na rin ng mga panukalang batas, palagi namang nag-uugnayan ang dalawang sangay ng gobyerno para sa bagay na ito.

Doon aniya sa naunang listahan ng mahigit 30 batas ay lampas na sa kalahati ang naipasa ng Kongreso batay doon sa dalawang listahan na naisumite na ng LEDAC sa kasalukuyang administrasyon.

Kaya naman aniya naantala ang pagpupulong diyan noong nakaraang taon ay dahil sa maikling sesyon ng Kongreso na nagbigay-daan sa eleksyon noong May 2013.

Pagkatapos naman aniya  ng eleksyon ay naging primary preoccupation ng Kongreso ay ang pagpapasa sa budget at pagkatapos aniya ay inabutan  na ang gobyerno ng patung-patong na kalamidad gaya aniya ng Zamboanga (standoff), mga bagyong ‘Santi’, ‘Yolanda’, at Bohol earthquake noong last quarter kaya hindi po nagkaroon ng sapat na panahon para magpulong ang LEDAC.

Ganunpaman, aniya ay  patuloy ang pag-aaral ng mga Cabinet cluster,  pakikipag-ugnayan sa mga tanggapan ng mga mambabatas sa mga komite ng Kongreso; at patuloy din ang pag-asikaso sa mga legislative priorities.

The post LEDAC hindi na kailangang i-convene ni PNoy appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>